Kababaihan malaya nang magtrabaho sa gabi

MALAYA na ang mga kababihang magtrabaho sa gabi at hindi nakailangang kumuha ng exemption mula sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Ito ay matapos na lagdaan ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang batas kung saan pinapayagan ang mga kababaihang makapag-night duty lalo na sa business process outsourcing (BPOs) o call centers na sinasabing dehado ang mga ito.

Tapos na umano ang deskriminasyon sa mga kababaihan dahil pantay na ngayon ang oportunidad sa mga lalaki at babae lalo na sa BPO sector.

Ayon naman kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, naayon umano ang batas sa 22-point labor employment agenda ng Pangulo.

Patunay lamang ito sa pagpupursige ng administrasyon magkaroon ng gender equality sa lipunan.

Malaking bagay din umano ito para sa health protection at tamang kompensasyon ng mga night workers.

“Employers under the new law are also required to provide safe and health working conditions and adequate or reasonable facilities, such as sleeping or resting quarters in the establishment, and transportation from the work premises to the nearest point of their residence,” anang kalihim.

Matapos ang konsultasyon ng kalihim sa mga kinatawan ng labor organizations at employers ay ilalabas na rin ang implementing rules and regulations ng nasabing batas. Jocelyn Tabangcura-Domenden

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply