6-anyos bata pisak sa killer highway

PATAY ang isang anim na taong gulang na lalaki makaraang mabundol at pumailalim pa sa sasakyan habang tumatawid sa Commonwealth Avenue na binansagang “Killer Highway, iniulat Lunes ng umaga.

Dead on arrival sa New Era Hospital ang biktima na si Joselito Santillan, habang nakilala naman ang suspek na si Danilo Adra, family driver.

Sa ulat ng Traffic Sector 5 ng Quezon City Police district, naganap ang insidente ganap na alas-3:10 ng Linggo ng hapon sa Commonwealth Avenue.

Nabatid na galing ng Central Avenue papasok ng Commonwealth Ave. ang suspek lulan ng minamanehong Toyota Fortuner (ZCJ-715) nang hindi niya napansin ang biglang pag-sulpot ng bata sa kanyang harapan kaya’t nahagip niya ito.

Dahil dito, bahagyang tumilampon ang paslit dulot ng pagkakabangga kung saan nagtamo ng  mantiding pinsala sa katawan bago umilalim pa sa isa pang sasakyan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply