6-anyos hinalay ng manyakis na kapitbahay

MAAGANG nawasak ang puri ng isang anim-na-anyos na batang babae matapos itong molestiyahin ng manyakis nitong kapitbahay sa Caloocan City, iniulat kagabi, Hunyo 5.

Nakilala ang suspek na si Renato “Chichi” Arriola , 54, may-asawa, pintor, ng 469 Interior 3 Heroes del Barangay 73, ng nasabing lungsod.

Ayon sa biktimang hindi na pinangalanan, pinasok umano ni Arriola ang daliri nito sa kanyang ari.

Ang pagkakaaresto sa suspek ay nag-ugat matapos magsumbong ang kalaro ng biktimang itinago sa pangalang Anne, 6-anyos sa ina ng biktima.

Nabatid mula sa ina ng biktima, galing lamang sila ng kanyang anak sa simbahan at nang makauwi ay nagpaalam ang una na makikipaglaro lamang sa harap ng kanilang bahay.

Anang ginang, maya-maya lamang, humahangos umano ang kalaro ng anak na si Anne papalapit sa kanya at doon isinumbong ang ginagawang kahalayan ng suspek sa kanyang anak.

Dahil dito, agad na pinuntahan ng ginang ang anak at doon inabutan na umiiyak ito. Nang tanungin kung bakit ito umiiyak ay saka ito nagsumbong at itinurong minolestiya siya ng suspek.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 7610 (Child Abuse) sa tanggapan ng Caloocan City Prosecutor’s Office si Arriola.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply