6 katao nalason sa noodles sa Bukidnon

NALASON ang may anim na katao sa kinaing noodles sa San Luis, Malitbog, Bukidnon.

Ayon sa report, kinilala ang mga biktima na sina Eric Bactalan, Jomar Bactalan, Dominick Bactalan na pawang magkakapatid, at ang pinsan nilang si Beverly Langang, mga residente ng nasabing lalawigan.

Batay sa salaysay ng mga biktima na kasalukuyang nagpapagaling sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC), galing umano sila sa pagdalo ng isang piyesta subalit pag-uwi nila ay nakaramdam uli sila ng pagkagutom.

Nagluluto umano ng isang pack ng noodle si Eric at sabay nilang kinain kasama ang isang sardinas kasama ang mga kaibigan nitong sila Miriam Ardanes at Romel Dayanon.

Makalipas ang ilang minuto, nakaramdam sila ng pananakit ng tiyan, ulo, nagsusuka, pag-iiba ng ugali kung saan nagwawala ang mga ito.

Ayon kay Dr. Rodney Valleja ng Northern Mindanao Medical Center (NMMC), ang mga biktima ay nakatakdang isailalim sa laboratory test upang malaman ang naging sanhi ng kanilang pagkalason.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply