6 na biktima ng cybersex nailigtas ng NBI

ANIM na menor-de-edad na biktima ng cybersex ang nailigtas ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Cordova City sa Cebu.

Ang mga nailigtas na apat na babae at dalawang batang lalaki ay may edad na sa pagitan ng 13 at 17-taong gulang.

Inamin ng mga biktima na mismong mga magulang nila ang nag-uutos sa kanila na gawin ang malalaswang bagay sa harap ng computer para sa mga kliyenteng foreigner.

Nagbabayad umano ang mga kliyente ng $20-$25 kada serbisyo.

Nang mabatid ng NBI ang nasabing operasyon, agad na nagsagawa ng raid ang mga tauhan nito at iniligtas ang mga biktima.

Nang makausap ang mga magulang ng biktima, sinabi ng mga ito na nagawa lamang nilang ibenta ang kanilang mga anak dahil sa kahirapan.

Samantala, nasa kustodiya na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 7 ang mga biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply