6 patay, 14 nawawala dahil kay ‘Falcon’

APAT na ang naiuulat na namatay habang 14 ang nananatiling nanawala dahil kay bagyong Falcon na nanalasa sa bansa noong nakraang linggo.

Iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), mula sa Region III ang lima sa mga namatay habang ang isa ay mula sa Rizal.

Sampu naman sa 14 na nawawala ay galing sa Bicol Region, dalawa sa Region III at tig-isa sa Mt. Province at Rizal.

Umabot naman sa P163.7 milyon ang halaga ng pinsala ng naturang bagyo. Pinakamalaking pinsala ay sa sektor ng agrikultura na umabot sa P132.8 milyon habang P30.8 milyon naman sa imprastraktura.

Samantala, nasa evacuation centers pa rin ang karamihan sa mahigit na 28,000 pamilya o katumbas ng 125,949 katao na mga lumikas sa kani-kanilang tirahan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply