6 raliyistang magsasaka niratrat sa Bukidnon

ANIM magsasaka na nagsasagawa ng kilos protesta sa harapan ng isang pamantasan ang malubhang nasugatn nang ratratin ng mga nakatalagang security guard sa Bukidnon, Miyerkules ng umaga.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr. naganap ang pamamaril bandang alas 10:00 ng umaga sa harapan mismo ng gate ng Central Mindanao University na nasa Musuan, bayan ng Maramag, nabangit na lalawigan.

Sa impormasyong ibinahagi ni Cruz, kasalukuyang nagsasagawa ng kilos protesta ang mga magsasaka sa labas ng main gate ng CMU nang biglang magkagulo sa hanay ng security guards at magsasaka.

Biglang umalingawngaw ang sunod-sunod na putok at nakitang duguan ang anim na magsasaka.

Agad na itinakbo sa Bukidnon Provincial Hospital, Malaybalay City  ang mga sugatan upang malapatan ng lunas.

Agad namang ipinag-utos ng Bukidnon PNP na magsagawa ng malalimanng imbestigasyon sa naganap na insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply