60 Al-Qaeda tumakas sa Yemen jail

NAKAALERTO na ang pamahalaan ng Estados Unidos kaugnay sa ginawang pagtakas ng 60 hinihinalang Al-Qaeda sa bilangguan ng Yemen.

Nakikipag-ugnayan na ang United States government sa mga Yemeni officials kaugnay sa nangyaring jailbreak.

Inaalam pa ng Washington ang kabuuan ng detalye hinggil sa nasabing insidente kasabay ng pagtitiyak na tuluy-tuloy ang kanilang kooperasyon sa mga opisyal ng Yemen.

Batay sa ulat ng mga Yemeni security officials, inatake umano ng may 57 Al-Qaeda militants ang mga prison guards ng Mukalla prison sa Hadramout province at nagtagumpay ang mga ito na maagaw ang armas ng mga guwardiya.

Sinasabing 16 sa mga pugante ay kabilang sa “Hadramout cell” na sangkot sa serye ng mga terror attacks sa nakalipas ng dalawang taon. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply