60 kph speed limit ipatutupad sa Macapagal Ave.

MAGPAPATUPAD ng 60 kph na speed limit ang Metro Manila Development Authority sa kahabaan ng Macapagal Avenue.

Ito ay ayon kay Chairman Francis Tolentino kung saan napagkasunduan umano ng mga mayors ng kalakhang Maynila ang naturang resolusyon ng walang anumang objections.

“The emerging location for shopping centers and other establishments along Macapagal Ave. also multiplies the volume of vehicles that traverse in the said thoroughfare which results to the high rate of road accidents and tragic loss of lives, limbs and property, especially during night time when it is also being used by drag racers,” ani Tolentino.

Ayon pa kay Tolentino, makakabuti ito sa mga biyahero upang maiwasan ang aksidente sa lugar.

Nabatid na ginagamit ang naturang highway sa drag racing tuwing sasapit ang gabi. Kung maipatutupad ang speed limit sa lugar ay mababantayan ito ng mga lokal na pamahalaan na malapit sa lugar dahil magtatalaga ito ng ilang tauhan para imonitor ang naturang lansangan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply