7-anyos, minolestiya ng manyak na kapitbahay

ISANG pitong-taong gulang na batang babae ang sinamahan ng kanyang ina sa himpilan ng pulisya upang ipagharap ng reklamo ang isang manyak na kapitbahay na nangmolestiya sa kanya sa Navotas City, iniulat Miyerkules ng umaga.

Swak sa kulungan at nahaharap sa kasong Acts of lasciviousness ang suspek na si Jennifer Rubio, 41, ng Galicia St. Barangay Bangkulasi, ng naturang lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 Belany Dizon, ng Womens and Children Concerned Desk (WCCD), 10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa naturang lugar.

Base sa sinumpaang salaysay ni Jennie (di tunay na pangalan), naglalaro siyang mag-isa di kalayuan sa kanilang bahay nang tawagin ng suspek at pinapasok sa bahay nito.

Ngunit pagpasok doon, sinimulan nang hubaran ng pang-ibabang saplot ang paslit bago pinaghahalikan at pinaghihimas sa maseselang parte ng katawan nito.

Nang makaraos ang suspek, saka pa lamang nito pinauwi ang biktima.

Pagkauwi sa bahay ay agad na nagsumbong ang biktima sa ina kanyang ina dahilan upang ireport ang pangyayari sa pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply