7 barangay sa Batangas lubog sa baha

LUBOG sa baha ang pitong barangay bunsod ng patuloy na pagbuhos ng malakas na ulan sa ilang bahagi ng Batangas.

Ayon kay Bauan Mayor Ryan Dolor, lubog sa baha ang mga barangay ng San Roque, New Danglayan, Aplayan, Sta. Maria, San Andres Puno, San Andres Proper at Sto. Domingo kung saan umabot hanggang beywang ang tubig dahil sa pag-apaw ng mga ilog.

Dahil dito, umaabot na sa mahigit 100 pamilya ang nailikas sa mas ligtas na lugar.

Samantala, idineklarang walang pasok sa lahat ng antas ng paaralan sa Bauan at Batangas City, pampubliko man o pribado.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply