7 katao nalason sa pugita

PITONG katao sa isang barangay, kabilang na ang kanilang barangay kapitan at dalawang kagawad, ang itinakbo sa pagamutan matapos malason sa kinaing pugita sa lalawigan ng Maguindanao Biyernes ng gabi.

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima ng food poisoning na sina Barangay Chairman Mario Cadingilan, Barangay Kagawad Manuel Galim,  Barangay Kagawad Joventino Cadingilan, Lovely Cadingilan, Victor Awid,   Mary Jane Gadingilan at Asma Cadingilan,  pawang mga residente ng Barangay Tubal, Ampatuan, Maguindanao.

Isinugod ang mga biktima sa Tamondong Hospital sa bayan ng Isulan, Sultan Kudarat makaraang makaramdan ng unti-unting panghihina, paninikip ng dibdib, pagkahilo at pagsusuka na hinihinalang sanhi ng kinaing adobong pugita.

Ayon salaysay ni Lovely sa mga imbestigador, nabili nila ang pugita sa pamilihan  sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat at niluto bilang ulam sa hapunan.

Ngunit ilang minuto makalipas lamang kumain ay sumakit na ang kanilang mga tiyan na humantong pa sa pagsusuka at pagdudumi, dahilan upang agad silang isugod sa pagamutan. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply