7 nalason sa kabute

NALASON ang pitong miyembro ng pamilya makaraang kumain ng kabute sa Sitio Mag-aso, Brgy. Urong, Kabankalan City.

Nakilala ang mga biktima na sina Dionesio Cabual, ama ng pamilya at mga anak na sina Jury, 19; Junkiy, 14; Charry, 12; Mhardelyn, 10; Jonas, 5; at Dylene, 3.

Ayon kay Mang Dionesio, first time niyang nanguha ng mga kabute mula sa taniman sa kabundukan at nagpasya itong lutuin kahapon upang maiulam sa agahan.

Nabatid na matapos kumain ng mga biktima, ilang minuto lang ay nakaramdam na sila ng pagkahilo at hindi maigilaw ang mga katawan.

Kasalukuyan namang nagpapagaling ang mga biktima sa Cabual sa Western Visayas Regional Hospital.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply