7 pumatay sa Chinese national arestado

PITONG kalalakihan na responsable sa pagpatay sa negosyanteng Chinese national ang bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Valenzuela police sa isinagawang follow-up operation sa Katimugan ng Leyte at Davao, Biyernes ng hapon.

Kasalukuyang nakakulong na sa Valenzuela City police ang pitong suspek matapos maaresto ang mga ito.

Ang biktima na pinatay ng mga salarin nitong Hunyo 11 ay si Jefrey Ong, 31, tubong Fujiian Province ng China at stay-in manager ng  Cosang Plastic Manufacturing  sa 9 Sigma St. Don Pablo Subdivision Brgy., Rincon Valenzuela City.

Ayon sa ulat, isang hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng mga suspek at biktima  na nagsimula noong Hunyo 1, 2011 matapos ianunsyo ni Ong na tigil na ang operasyon ng nasabing kumpanya ang motibo sa krimen.

Nabatid na nakiusap ang mga trabahador sa may-ari para sa fare assistance na tinanggihan ng biktima.

Noong nakaraang Hunyo 7, ang mga stay-in worker sa nasabing pagawaan na kinabibilangan ng mga suspek ay inatasan na ni Ong na bakantehin na ang kanilang barracks na ikinagalit ng mga suspek.

Nabatid na ganap na 7:00 ng gabi noong Hunyo 9 2011 nang huling makitang buhay si Ong na pumasok sa Cosang Plastic compound sakay ng kanyang motorsiklo.

Ayon sa mga saksi, dakong 4:00 ng hapon Hunyo 11 na nakahandusay sa semento sa loob ng naturang compound na ipagbigay-alam sa Valenzuela police.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply