8 fishing vessel lumubog habang nakadaong

LUMUBOG ang walong nakadaong na fishing vessel Batangas dahil sa malalaki at malalakas na alon bunsod ng hanging dala ng bagyong “Dodong’ noong Hunyo 8 ng gabi, iniulat ngayon, Hunyo 10.

Inireport ng Batangas Coast Guard, nawasak at lumubog ang mga naturang sasakyang pandagat habang nakadaong sa open water ng Tayabas Bay sa Barangay Laiya sa San Juan, Batangas na sinalpok ng malalaking alon.

Agad na nakaalis ang mga tripulante ng mga bangkang pangisda bago pa man hambalusin ng malalaking alon ang mga naturang sasakyan kaya walang naiulat na namatay o nasugatan.

Sa kabilang dako, iniulat ng Quezon Police na hindi pa rin mahanap ang crew ng isa sa tatlong barge na lumubog naman sa baybaying-dagat ng Sariaya, Quezon.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply