8 OFW nasa death row sa Saudi Arabia

NANAWAGAN ang Migrante-Middle East sa Department of Foreign Affairs (DFA) at pamahalaan na gawin ang lahat ng paraan upang masagip ang walong overseas Filipino worker (OFW) na nakatakdang bitayin sa Saudi Arabia.

Ayon sa grupo, dapat pagtuunan ng pansin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang walong kababayan na namimiligrong bitayin sa Saudi anumang oras na itaktada ang hatol.

Kabilang sa mga nakalinya sa death row ay sina Dondon Lanuza, magkapatid na Rolando at Edison Gonzales, Eduardo Arcilla, Joselito Zapanta, Carlito Lana, Ryan Tolen at Edgar Maligaya.

Sinabi ni John Leonard Monterona, regional coordinator ng Migrante-Middle East, sina Lanuza, Zapanta at Lana lamang ang nakapatay dahil sa pagtatanggol sa kanilang sarili habang isinasangkot naman sa krimen sina Maligaya at ang magkapatid na Gonzalez.

Sa kaso naman ni Tolen, nasaksak at napatay nito ang kanyang kasamahan sa trabaho dahil sa mainitang pagtatalo.

Sa ngayon ay patuloy pang dinidinig ang kaso nina Tolen at Maligaya.

Nangangamba na ang mga kaanak ng walong Pinoy dahil anumang oras ay maaari nang ipatupad ang sentensya laban sa mga ito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply