9 barangay sa North Cotabato inilagay sa state of calamity

INILAGAY sa state of calamity ang siyam na barangay sa President Roxas, North Cotabato dahil sa mga pagbaha at landslide na bunsod ng mga pag-ulan dahil sa bagyong Dodong.

Ang mga barangay na naapektuhan ay ang Duwail, Poblacion, Mabuhay, Ipkahilo, Kabangbangan, Idaungan, Labu-o, Kamarahan at Malegria,

Dahil sa pagbaha bunsod ng walang humpay na pag-ulan 300 pamilya ang naapektuhan, ayon kay President Roxas Mayor Jaime Mahimpit.

Napinsala naman ng husto ang may 20 kabahayan at mahigit sa 120 ang partially damage matapos ang flashflood.

Sa ulat ng MSWDO, nasa P31 milyon na ang pinsala sa mga pananim dahil sa naturang kalamidad.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply