9 lugar sa bansa nasa Signal No. 1

ISINAILALIM na kanina sa Signal Number 1 ang siyam na lugar sa bansa nang patuloy na magtungo ang tropical storm “Falcon” (international name: Meari) sa Bicol at Northern Luzon, ayon sa ulat Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa).

Ang mga lalawigan na nasa signal No. 1 ay ang Albay, Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Isabela, Cagayan, Calayan Group of Islands, Babuyan Group of Islands at Batanes Group of Islands

Inihayag ng (Pagasa), ang bagyong “Falcon” ay maaaring mas lumakas pa sa susunod na araw.

Dakong 4:00 ng umaga sinabi ng Pagasa na ang “Falcon” ay namataan na nasa layong 250 kilometers (km) hilaga-silangan ng Virac, Catanduanes.

May taglay itong lakas ng hangin na aabot sa 65 kilometro bawat oras (kph) malapit sa sentro at may pabugso-bugsong sungit ng panahon na aabot sa 80 kph.

Kumikilos itong pa-kanluran-hilaga-kanluran sa bilis na 19 kilometro bawat oras at ito ay inaasahang nasa 150 km silangan hilaga-silangan ng Tuguegarao City Biyernes ng umaga, at 170 km hilaga-hilaga kanluran ng Basco, Batanes sa Sabado naman ng umaga.

Sa linggo ng umaga, inaasahan itong nasa 600 km hilaga ng Basco, Batanes o 130 km hilaga ng Taiwan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply