98 OFWs mula Lebanon dumating na sa bansa

UMAABOT sa 98 distressed overseas Filipino workers (OFWs) na pansamantalang nanuluyan sa Filipino Workers Resource Center (FWRC) sa Lebanon ang nakabalik na sa Pilipinas, ayon sa Department of Foreign Affairs, Lunes ng gabi.

Ayon sa DFA, ang 98 OFWs ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Linggo ng umaga sakay ng Etihad Airways flight.

Ani Philippine Embassy Assistance-to-Nationals (ATN) Officer Edwin Batallones, ang nasabing Pinoy workers ay kanyang sinamahan hanggang sa ligtas na nakalapag sa bansa.

Sinalubong naman ang mga dumating nina Legal Officers Sorhaya Dilabakun, Emily Villanueva, at Aurea Bahjin and Case Officer Mayette Casaysayan mula sa DFA-Office of the Undersecretary for Migrant Workers Affairs (DFA-OUMWA); at representatives mula sa Overseas Welfare Workers Administration (OWWA).

Kasabay ng pag-uwi ng mga OFW ay ang pagbibigay sa kanila ng libreng matutuluyan, pagkain, basic amenities at iba pang tulong na kanilang kailangan habang inaayos ang kanilang exit visas.

Ang nasabing OFWs ay libreng inuwi sa bansa makaraang makaranas ng kamalasan sa kanilang mga employer, habang ang iba ay nabiktima ng illegal recruitment.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply