Abalos, Garci nakakubra na ng retirement benefits

NAKUHA na umano ni dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Virgilio Garcillano ang P3.1-milyon retirement benefit sa poll body, ayon kay Sen. Alan Peter Cyetano.

Ibinunyag noong Martes ni Cayetano, Senate Minority Leader, sa isang press conference na bukod umano sa retirement benefits ay kumukubra rin ngayon si Garcillano ng buwanang pensyon.

Ayon sa senador, maging ang nauugnay din kay Garcillano na si dating Comelec Chairman Benjamin Abalos, sangkot din sa NBN-ZTE scandal, ay kumubra rin ng P2.9-milyong retirement benefit at ngayon ay tumatanggap ng buwanang pensyon.

“Both Chairman Abalos ang Commissioner Garcillano were able to get their retirement benefits of P2.9 million and P3.1 million respectively. Not only that but their monthly pensions trickle in regularly,” ani Cayetano.

Dagdag pa ni Cayetano, kaya naibigay ang mga benepisyo sa mga dating Comelec officials na ito ay dahil sa wala namang naisampang kaso laban sa kanila kahit nasangkot ang kanilang pangalan sa “Hello, Garci” scam.

“They were instruments in cheating the Filipino people, but now we are paying them continuously. Now the Comelec will say that there is no case filed against these officials. But who will should take on these cases? Is it not Comelec?” ani Cayetano.

Nangangamba naman ang senador na baka makubra rin ng iba pang galamay ni Garcillano sa Comelec ang retirement benefits kapag sila ay nagretiro sa government service dahil lamang sa pinabayaan ni Comelec Chairman Sixto Brillantes ang isyung ito at hindi na pinaimbestigahan.

“Will we allow them to retire and to cash in on their retirement fee just because there is no investigation and because the new chairman does not wish to investigate?” ani Cayetano.

Matatandaang dawit sina Garcillano at Abalos sa umano’y dayaan noong 2004 presidential elections.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply