ABS-CBN director na pinagsasaksak stable na

NASA maayos nang kondisyon ang ABS-CBN TV Director na si Ricky Rivero matapos saksakin ng 17 beses sa loob ng kanyang apartment sa Masikap Street, V. Luna Road, Barangay Piñahan, Quezon City, Lunes ng madaling-araw.

Nabatid sa kaibigan ni Rivero na si Rachel Alejandro na nasa stable condition na ang biktima na nailipat na sa isang pribadong kwarto sa St. Lukes Medical Center.

Sinabi ng imbestigador na si Police Officer 3 Joel Sanchez na arestado naman ang suspek na kinilalang si Hans Ivan Ruiz, 22.

Kabilang aniya sa mga isasampang kaso sa Quezon City Prosecutors Office ang frustrated murder at robbery.

Batay sa inisyal na imbestigasyon, sinasabing nakilala ng direktor ang suspek sa pamamagitan ng facebook at nagkita sila bandang 11:00  kagabi sa Timog Avenue hanggang sumama sa kanyang bahay para makitulog.

Pasado alas 4:00 kaninang madaling araw, nakarinig ang mga kapitbahay ng paghingi ng tulong ni Rivero.

Napag-alamang nakatakas na ang suspek bitbit ang bag ni Rivero na may lamang laptop pero bumalik sa bahay para linisin umano ang crime scene kaya inabutan ng mga rumespondeng barangay tanod.

Narekober din ang kutsilyong ginamit sa pananaksak sa isang nakaparadang trak ng bumbero malapit sa lugar.

Lumilitaw na nagtalo umano ang dalawa dahil humihingi ng pera ang suspek para sa may sakit na ama.

Si Rivero ay direktor ng teleseryeng “Mula sa Puso.”

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply