ABS, TV5, RMN pinagmulta ng KBP sa 2010 Luneta hostage-taking incident

PINAGMULTA ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ng tig-P30,000 ang dalawang malalaking TV network at isang radio station sa bansa sa nakalipas na kontrobersiyal na media coverage sa 2010 Luneta hostage-taking incident, kung saan siyam turista ang namatay.

Ayon sa KBP, national association ng owners and operators of radio and television stations sa bansa, ipinapataw nila ang multa sa ABS-CBN Broadcasting Channel 2, Associated Broadcasting Company Channel 5 (TV5), at radio station Radyo Mo Nationwide (RMN) nang iere ang mga balita na naglalagay sa kompromiso sa mga awtoridad na nagsasagawa ng rescue operations sa mga biktima ng hostage-taking incident na naganap sa Quirino Grandstand noong Aug. 23, 2010, makaraang lumabag sa KBP broadcast code.

Bukod sa P30,000 multa sa nasabing mga kompanya, pinagmumulta rin ang anchors na sina Michael Rogas at Erwin Tulfo ng tig-P15,000 at P10,000 magkasunod nang gumitna sa negosasyon ng mga pulis at hostage-taker na si Rolando Mendoza.

Samantala, aminado naman ang KBP na hindi lahat ng istasyon ay kanilang nare-regulate lalo na ang hindi naman miyembro ng asosasyon.

Tinukoy ng KBP ang GMA-7 Network na naging sentro rin ng batikos hinggil pa rin sa kontrobersiyal na coverage sa nasabing insidente.

Binawi ng GMA-7 ang kanilang membership sa KBP noong Setyembre 2003 makaraang hindi magkasundo sa loading limits ng commercials ayon na rin sa panuntunan ng asosasyon.

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply