Adik, sugarol na asawa, puwede nang hiwalayan

GUSTONG isama ni Sen. Jinggoy Estrada ang drug addiction at pagsusugal bilang pangunahing dahilan upang legal na makapaghiwalay ang sinuman sa kanyang kabiyak na siyang isasama sa probisyon ng Family Code.

Nitong nakaraang linggo, inihain ni Estrada ang Senate Bill 781 upang dagdagan ang malilinaw na termino para sa pariralang “psychological incapacity” bilang dahilan sa pagdedeklara ng pagbabalewala sa kasal ng magkabiyak.

Nakatakdang amendahan ng panukala ang Article 36 ng Family Code at tutukuyin ang ilang indikasyon ng psychological incapacity bilang pamamaraan sa deklarasyon ng pagbabalewala ng kasal.

Ilan sa panukala ni Estrada ang mga sumusunod:

  1. Violent behavior or grossly abusive conduct against the other spouse or their common child or children;
  2. Abandonment, protracted and constant refusal to cohabit or to have sexual intercourse with the other spouse;
  3. Constitutional laziness or indolence or willful deprivation of financial, spiritual, moral and emotional support to the other spouse and children without justifiable cause;
  4. Drug addiction, habitual alcoholism, compulsive gambling or criminality;
  5. Inveterate sexual infidelity, homosexuality in men or lesbianism in women;
  6. Extremely low intelligence or immaturity;
  7. Other analogous circumstances showing an adverse integral element in the personality structure that effectively incapacitates one or both spouses from complying with the rights and obligations between husband and wife (as enumerated in Articles 68-71 of the Family Code).

Sa kanyang paliwanag, sinabi ni Estrada na hindi tinukoy ng Executive Order No. 209 (Family Code of the Philippines) noong 1987 ang pagkahulugan ng psychological incapacity upang hindi malimitahan ang applicability at magkaroon ng mas malawak na puwang ang korte sa pagsusuri ng pangyayari sa anumang kaso na hiwalay sa natukoy na hinala at generalization.

Aniya, nagkakaroon ng hinala sa batas na siyang nagresulta sa dambuhalang kalituhan sa mga legal practitioners at mga kumakapit sa Article 36 upang ipawalang-bisa ang hindi magandang kasal.

Nakatakda sa Article 36 na nagsasabing: “A marriage contracted by any party who, at the time of the celebration, was psychologically incapacitated to comply with the essential marital obligations of marriage, shall likewise be void even if such incapacity becomes manifest only after its solemnization.”

“Perhaps a bill with a well-defined ground on nullifying a marriage is a much welcome alternative to absolute divorce law which is proscribed by the Constitution,” ayon kay Estrada.

“The Constitution is unequivocal in its expression of marriage as an ‘inviolable social institution,’ and that the State shall strengthen the solidarity and promote the total development of Filipino families,” dagdag ni Estrada.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply