Administrasyon ni Noynoy binira ni GMA

LUBAO, Pampanga — Nagbabala si dating pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo na may panganib na kakaharapin ang pamahalaan kapag magpatuloy ang tila kawalan ng malinaw na direksyon sa administrasyon.

Banggit pa ni GMA sa isinagawang press conference sa Prado Farm, Lubao, na nagsimula ang panganib sa hostage crisis sa Luneta.

Ani GMA, mawawalan ang gobyerno ng fiscal sustainability na aniya’y ipinamana niya sa kasalukuyang administrasyon.

“Nagbene-benefit pa rin ang present administration but may danger zone dito iyong characterization ng nobody’s home.”

Tinukoy pa ni GMA na sa panahon ng kanyang administrasyon ay mababa ang inflation rate subalit ngayon ay mataas na ito maging ang pagtaas aniya ng poverty rate ay naging kapuna-puna.

“Even the score of the Philippines in corruption today is going up, and then the NEDA figures on foreign investment shows. So there are the danger sign. That is why there is a need to desire what program should be continue and what program should be drop.

Binanggit pa ni GMA na gumawa na ang kanyang administrasyon ng masterplan na ginastusan ng P15 milyon subalit si Pangulong Aquino pa rin ang masusunod kung nais niya itong ibasura o ipagpatuloy.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nagsalita si GMA ukol sa galaw ng administrasyon ni Pangulong Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply