Advertisement sa mga bus hihigpitan ng LTFRB

MAS hihigpitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kampanya laban sa mga pampasaherong bus na balot ng mga advertisement na naitatago na ang pagkakakilanlan.

Sinimulan na ng LTFRB ngayong linggo ang kampanya. Nitong Martes ay 37 air-conditioned bus na tadtad ng advertisements ang nahuling bumabaybay sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (Edsa).

Kinumpiska ang lisensya at pinababaklas ang mga plaka ng mga nasabing bus.

Ayon sa LTFRB, mayroon nang nailabas na memorandum circular noon pang 2009, kung saan inabisuhan dito ang mga kumpanya ng bus na humingi muna ng permiso sa awtoridad bago sila magpalagay ng ads sa kanilang mga bus.

Ayon naman kay LTFRB board member Atty. Manuel Iway, may ilang kumpanya ang umaabuso sa nasabing pribilehiyo dahil halos kabuuan ng bus ay binabalutan ng ads at hindi na halos makilala ang bus at hindi rin makita pati numero ng plaka nito.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply