Afraid ang Regal sa negang arrive ng awayang Marianita at Heart

DEHINS tuwirang maamin ni Miss Rochelle Monteverde, producer ng “Temptaion Island” na pinagbibidahan nina Heart Evangelista at Marian Rivera, na tunay na may hidwaang naganap sa dalawang aktres.

Naganap ito sa set mismo ng movie ng Regal Films pero maagap si Rochelle sa pagpapahayag na tapos na ang alitan.

Nagka-usap na kuno ang dalawa at hindi na nila gustong idetalye pa ang naging palitan ng bintang. Basta ang mabuting bagay nagkasundo na sila at nag-uusap na muli.

Ang isyu rito ay selos daw. May duda kuno si Marian kay Heart kung magkakasama sina Heart at Dingdong sa isang project.

Ano ba ang tingin niya kay Heart, Anaconda? inakupo!

Pero in fairness, si Marian ay mas marunong na ngayong makipag-usap sa kapwa kaysa rati na taray lang nang taray huh!

Nagma-mature na rin di ba Ja?

***

SABI ni Snooky Serna, gusto na raw mag-asawa ng isa sa friend niya na si Maricel Soriano. Tutal nga naman, malalaki na ang mga dyunak ni Maria at hindi na rin naman siya bumabata, mabuti na rin na harapin na niya ang sariling buhay.

Dalawang lalaki ang anak ng Diamond Star na pareho na ngayong maganda ang katayuan sa buhay dahil pinagsikapan naman sila ng ina na arugain.

Kung totoo man na gusto na ni Maria na maghanap ng kasama habambuhay, kasi itong si Kukay kung minsan ay exaggerated ang kuwento, aba matutuwa rin si Tsongkibenj para sa Diamond Star. Our ultimate goal in life is to be happy!

Go girl, go!

***

SI GRETCHEN Barretto ay kilalang Walk Out Queen sa maraming pagkakataon. Kapag dehins niya type ang takbo ng usapan with the movie press, gracefully, she walks out.

Pero alam naman ng mga manunulat kung gaano rin siya ka-generous pagdating sa pagsagot sa mga isyu at kontrobersya, kaya nga ang sarap niyang maging subject.

Sa huling panayam sa kanya, napagkumpara ang educational attainment nila ng anak niyang si Dominique.

Hindi na pinatagal ni La Greta ang usapan sapagkat naramdaman niyang hindi siya komportable sa pagkukumpara sa kanilang mag-ina. Pinagbibintangan na naman tuloy siyang nag-walk out at diumano’y pagpapakita ito ng kawalang breeding.

Kinagabihan, maayos na humarap sa mga reporters si Greta at sinabi niyang hindi naman sa lahat ng pagkakataon ay kawalan na ng tao ang kakapusan sa pag-aaral. Pero hindi niya raw binastos ang nagtatanong, gusto niya lang umiwas sa hindi maayos na usapan.

Sa puntong ito, nais nating pansinin na mas naging matalino si La Greta sa pagharap sa sitwasyon at siya ay mas nagmukhang may breeding sa tamang diskarte kaysa nagpaka-palengkera.

O ‘di napatunayan niya na wala sa pinag-aralan ang tamang pagpapaka-tao?

Dehins lang naman sa paaralan napupulot ang common sense at instinct. Di ba naman mga utoy at ineng?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply