Airport police na sabit sa escort service nasa hot water

NASA hot water ang isang kagawad ng Airport Police Department dahil sa ginawa nitong “escort service” sa dalawang Pinay na hinarang sa Singapore kamakailan.

Nakilala ang  airport police na si AP/Cpl. Rolando Nator, nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, na positibong itinuro ng dalawang babae makaraang ibalik ang dalawa sa Manila.

Ayon kay AP/Capt. Luis Cometa Jr., hayagang itinuro si Nator  nina Elizabeth Bentazar at Shirley Gabriel na ibinalik ng Singapore authorities dahil sa tangan nilang pekeng travel documents.

Nabatid na pumunta ng Singapore sina Bentazar at Gabriel noong June 6, 2011 lulan ng Cebu Pacific Air flight 5J-803, pero habang nasa immigration ang dalawang babae, kinuwestiyon sila ng Singapore immigration dahil transit lang pala sila at ang orihinal na destinasyon ng dalawa ay sa bansang Lebanon.

Kaya noong June 7, inilulan sina Bentazar at Gabriel sa Cebu Pacific pabalik ng Manila kung saan nabatid ng mga otoridad ang pangyayari na ineskortan sila ni Nator.

Lumalabas sa imbestigasyon, na ang dalawang babae ay hindi dumaan sa normal na immigration procedures base na rin sa record ng logbook ni Passcor aviation security Homer Jay Miguel na nakatalaga sa mga oras na iyon.

Base pa sa record, idinaan ni Nator ang dalawa sa pre-departure area hanggang sa international exit door 02 bago isinakay sa Cebu Pacific flight na pa-Singapore.

Tinutugis na si Nator ng Airport Police Intelligence  and Investigation Division para panagutin sa mga paratang laban sa kanya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply