Aktor, 2 pa arestado ng PDEA

INARESTO ng mga kawani ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang indie film actor at dalawang kasamahan nito matapos magsagawa ang ahensya ng isang buy-bust operation sa Carlton Tower, California Garden Condominium sa Mandaluyong City.

Nadakip ang aktor na si Marc Wilson Layug, na kilala sa screen name na Marc Dela Paz, at dalawang kasama nitong sina Juan Salcedo Jr., marketing officer ng isang telecommunication companay, at Arthur Oledan, Jr. sa Unit 3F ng naturang condominium.

Ayon kay PDEA Director General at Undersecretary Jose Gutierrez, nagkunwaring bibilhin ng kanyang mga ahente ang 20 shabu capsule sa mga suspek kaya ito natiklo.

Umabot ng 122 capsule ng shabu ang kanilang nakuha sa naturang lugar.

Sinubukan pa umano ng suspek na si Salcedo na lunukin ang ilang piraso ng shabu capsule.

Kinasuhan na ang tatlo sa paglabag ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply