Akusado sa Abadilla slay itinapon sa Sablayan

KINUMPIRMA ni Justice Secretary Leila de Lima na ipinatapon sa Sablayan Penal Colony ang isa sa mga akusado sa pagpaslang kay dating police colonel Rolando Abadilla.

Ayon sa kalihim, ang pagkakapatapon kay SPO2 Rameses de Jesus ay matapos na makumpiskahanng mga gamit sa pagsusugal o gambling paraphernalia.

Kasama aniya si SPO2 De Jesus  sa 26 inmates na pinatapon sa Sablayan penal colony na kinabibilangan din ng mga Intsik na nahulihan ng gamit sa pagsusugal at drug paraphernalia.

Sinabi rin ng kalihim na noon pang panahon ni dating Bureau of Corrections director Ernesto Diokno inilipat ng ibang piitan si SPO2 De Jesus.

Si De Lima ay dumalaw Miyerkules ng umaga sa New Bilibid Prisons at personal na kinamusta ang Abadilla 5.

Tiniyak ni De Lima sa mga naturang preso na kanyang  tutulungan para makakuha ng presidential clemency mula kay Pangulong Noynoy Aquino.

Nabuking lang ng kalihim ang pagkakalipat kay SPO2 De Jesus  nang makaharap sina SPO2 Cesar Fortuna, Lenido Lumanog, Joel De Jesus  at Augusto Santos at wala nga si SPO2 De Jesus kaya agad-agad na nagpalliwanag si Bureau of Corrections officer in charge Manuel Co  kaugnay sa kinaroroonan ni De Jesus.

Duda naman si De Lima sa parusang ipinataw kay De Jesus matapos na mahulihan ng gambling paraphernalia.

Ang limang suspek ay sinentensiyahan dahil sa pagkakapatay kay dating colonel  Rolando Abadilla, dating Chief of the Metropolitan Command Intelligence and Security Group of the Philippine Constabulary, na ngayon ay Philippine National Police  sa Katipunan  Avenue, Quezon City noong June 13,  1996.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply