Akyat-bahay balik kulungan

ISANG miyembro ng ‘Akyat-Bahay Gang’ ang muling bumalik sa selda matapos madakip ng Barangay Security Force bunsod ng reklamong ipinarating ng mag-asawang pinagnakawan niya sa loob ng kanilang pamamahay sa 382 ML Quezon St., Barangay Old Lower Bicutan, Taguig City.

Si Dominic B. Poblete, 28 at nakatira sa 2899 VP Cruz St., Brgy. Old Lower Bicutan ay agad na nakilala ng mga awtoridad dahil sa pagiging bantog nito sa paggawa ng nasabing krimen.

Ang suspek ay muling naisadlak sa bilangguan nang madatnan ng mag-asawang biktima na sina Jovannie Torrejos, 32 at Marilyn, 33, na naghahalughog sa loob ng kanilang tahanan.

Sinabi pa ng mga biktima na nagawang maipasa ng suspek ang kanilang cash na pera at ilang mga mamahaling alahas sa kasabwat nito.

“Hinahanap namin sa kanya ‘yung mga ninakaw niya sa amin pero may binabanggit siyang totoy na hindi naman namin kilala,” Ani Jovannie.

Si Poblete ay agad na inaresto ng mga nagpapatrol na BSF at isinuko sa Taguig City Police Station.

Nahaharap sa kasong robbery ang ikinulong na suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply