Akyat bahay sumalakay sa Quezon City

MULI na namang nambiktima ang hinihinalang mga miyembro ng akyat bahay sa Quezon City Lunes ng madaling araw (Hunyo 13) kung saan natangay ang mga mamahaling gamit at cash money na may kabuuang halaga na P171,000.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Jenifer Tacabina ,37, residente ng 3 Hillman St., Fairview, ng nasabing lungasod.

Agad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang grupo matapos makuha ang dalawang laptop (Acer, Asus) na nagkakahalaga ng 50,000; apat na Black Berry Samsung at Samsung star na cell phone na nagkakahalaga ng 38,000; dalawang iPod (22,000); Cannon Camera (20,000); Canon VCD player (4,000) at 5,000 cash.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa tahanan ni Tacabina sa pagitan ng ala-una at 5:30 ng madaling araw.

Lumitaw sa imbestigasyon, habang nasa kasarapan ng tulog ang biktima ay nagawang makapasok ng mga salarin sa pintuan sa likod ng bahay ng biktima.

Puwersahang sinira ng mga ito ang screen ng bintana bago niransak ang padlock ng pintuan.

Nang makapasok na sa loob ay mabilis na naghalughog ang mga salarin at isa-isang dinampot ang mga naturang mamahaling gamit at cash money bago tumakas palayo sa lugar.

Laking gulat na lamang ng biktima ng magising kinaumagahan ay nalimas na ang kanyang mga gamit at pera.

Dahil dito, agad na inireport ng biktima sa pulisya ang nangyari.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply