‘Alay pangkalusugan’ sa matatanda ilulunsad

ILULUNSAD ngayon ang Health and Wellness Program na “Alay kay Lolo at Lola” sa Heritage Center sa bayan ng Daet, Camarines Norte.

Ang programa sa kalusugan at pangangalaga sa mga matatanda ay pinapangunahan ng pamahalaang lokal ng Daet at sa pakikipagtulungan ng Federation and Senior Citizens Affairs, Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) at Rural Health Unit (RHU).

Isinasagawa rito ang libreng electrocardiogram (ECG), memory test at ang libreng gupit sa mga senior citizens.

Magkakaroon din ng medical at dental check-up sa pamamagitan ng mga tumutulong at sumusuporta sa pangunguna ni President Lourdes Dyquingco-Magno ng HI-EIAI Pharmaceutical Inc. at si neurologist Dr. Fe de los Santos.

Sinabi ni Mayor Tito Sarion, ang mga nakatatanda ay isa sa pinakamahalagang sektor ng lipunan kaya may mga programa para sa kanila katulad ng Health and Wellness Program na dapat at laging handa ang ating mga nakatatanda sa ganitong mga programa para sa kanila.

Samantala, gagawin rin ngayon ang iba pang mga gawain na kinabibilangan ng Search for Outstanding Tricycle Driver sa bayan ng Daet, awarding of the Most Child Friendly Barangays at ang mga nanalo sa Agri-Trade Fair Contest ganundin ang barangay night at Dangal ng Daet Awards.

Ito ay bahagi pa rin sa pagdiriwang ng ika-19 na pinyasan festival kaalinsabay na rin ng ika-428 pagkakatatag ng bayan ng Daet at ika-400 anniversary celebration ng Diocese of Daet at kapistahan ni Saint John the Baptist sa Biyernes, Hunyo 24. Johnny F. Arasga

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply