Alcano kinapos sa China Meet

ANG last Filipino standing na si Ronato “Volcano” Alcano ay kinapos sa pinakaimportante niyang laban ng yumuko kontra kay Hsu Kai Lun ng Chinese-Taipei, 11-2, sa semi-final round ng $275,000 total purse China Open event para sa Men at Womens na ginanap sa Shanghai Pudong Yuanshen Stadium sa Suburban Shanghai, Shanghai, China.

Makakalaban ni Hsu sa finals si Chris Melling ng Great Britain na nanaig kay Niels Feijen ng Netherlands sa isa pang semi-final affair.

Ang Calamba hotshot na si Alcano, former WPA World 9-ball at 8-ball champion ay nanaig muna kina Murni Ahmad Taufiq ng Brunei, 11-10, sa Last 32; Ralf Souquet ng Germany, 11-7, sa last 16; Yukio Akakariyama ng Japan, 11-9, sa quarter-final round.

Ang iba pang Pinoy tumbok king na lumahok ay sina Efren “Bata” Reyes, Francisco “Django” Bustamante, Dennis “Robocop” Orcollo, Lee Vann “The Slayer” Corteza at John “Owat” Salazar.

Sa womens play, all Chinal ang finale matapos magwagi sina Xiao Fang fu at Siming Chen sa kani-kanilang final four assignments. Tinalo ni Xiao si Un Mi lim ng Chinese-Taipei, 9-8, habang nagwagi naman si Chen kay Jasmin Ouschan ng Austria, 9-8.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply