Alcano, Lining, de Luna panalo sa World 9-Ball Championship

PANALO sina former WPA World 9-ball at 8-ball champion Ronato
“Volcano” Alcano, Antonio “Nikoy” Lining at Jeffrey “The Bull” de Luna sa kani-kanilang group stage matches sa 2011 World Pool-Billiard Association (WPA) World 9-Ball Championship sa Al Sadd Sports Club sa Doha, Qatar Linggo ng gabi.

Ang Calamba hotshot Alcano ay giniba si Hamzah Al Saeed ng Kuwait,
9-5, sa Group L, ang Pinamalayan, Oriental Mindoro ace Lining ay
kinaldag si Liu Cheng Cheih ng Chinese-Taipei, 9-4, sa Group P habang ang Marinduque star de Luna ay binasura si Abdulwahed Jamil Hussain ng UAE, 9-4, sa Group H. Nagpakitang gilas din si OFW Allan Cuartero, tubong Surigao del Sur, sa pag diskaril kay Mohmad Al Sofi ng Syria, 9-5, sa Group L.

Kumakasa pa din sina Lee Vann “The Slayer” Corteza, Roberto “Pinoy
Superman” Gomez, Antonio “Ga-Ga” Gabica, Israel “Amay” Rota, Raymund Faraon, Venancio Tanio, Francisco Felicilda, Joven Alba at  Caneda Villamor matapos manalo sa kani-kanilang katunggali sa loser’s brackets sa $250,000 total pot prize tournament na may pabuyang $36,000 top purse.

Ang Davao City pride Corteza  ay winasiwas si Erik Hjorliefson ng
Canada, 9-4, ang Divisoria, Zamboanga cue Gomez ay ungos naman kay
Almed Naeem Ali ng Jordan, 9-8, ang Cebu bet Gabica ay kinaldag si
Majed Al Zaab ng UAE, 9-4, ang isa pang Cebuano star na si Rota ay
dinaig si Mazen Berjawi ng Libya, 9-6, ang Bicol na si Faraon ay
umibabaw naman kay Hamzah Al Saeed ng Iran, 9-2, pinasuko naman ni
Tanio si Ameen Fekree ng UAE , 9-4, giniba ni Felicilda si Dennis
Grabe of Estonia, 9-8, nangibabaw si Alba kay Bruno Muratore ng Italy, 9-6, at dinurog ni Villamor si Jon Grimley ng New Zealand, 9-1.

Ang 128 players ay hinati sa 16 groups of 8, tungo sa double elimination format, race to 9, alternate Break. Ang apat na qualifiers (2 mula sa winner’s brackets at 2 mula sa loser’s brackets) ay uusad sa final round of 64 players na ipatutupad ang single elimination, race to 11, alternate Break.  Ang final ay race to 13, alternate break.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply