Alert level 4 sa Yemen idineklara ng DFA

ITINAAS na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang crisis alert level sa Yemeni capital ng Sanaa sa “4” dahil sa paglala pa ng politico-security situation sa nasabing siyudad.

Nanatili namang nasa alert level 3 ang ibang lugar sa Yemen.

Inilabas ng DFA ang advisory makaraang atakehin ang Yemeni presidential palace kung saan nasugatan sina Yemeni President Ali Abdullah Saleh at iba pa sa kanyang presidential guards.

Matatandaang kapag itinaas na sa alert level 4 ang sitwasyon sa isang bansa ay ibig sabihin na “mandatory evacuation and repatriation” na ang ipatutupad sa mga Pinoy na nasa apektadong lugar.

“In light of the worsening security situation in the city, we are asking Filipinos in Sanaa to get in touch with the Embassy team stationed there so they could be moved to a safer area, and then out of the country,” ani Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply