Alex Gonzaga, out na raw?: Nadine Samonte bagong pasisikatin ng TV5

KAYA raw nag-decide na umalis na sa GMA-7 at pumirma ng exclusive contract sa TV5 itong si Nadine Samonte ay dahil sa very tempting offer sa kanya ng said network.

Maliban sa kanyang malaking talent fee na tatanggapin, bibigyan pa siya ng special treatment ng Singko tulad ng mga bonggang projects, alaga siya sa publicity, at lahat ng aspeto para siya’y mas lumaki at humusay pang aktres ay kanilang ibibigay lahat.

Bilang panimula, nakatakdang i-enroll si Nadine ng TV5 sa Elite Modelling Agency para sa kanyang makeover, bibigyan ng sariling stylist at ire-repackage.

Meaning, babaguhin nila ang itsura ni Nadine. Well, ang dapat na ipabago ng mga executive ng Singko sa aktres ay ang ilong nito na hindi kagandahan.

Yes, nangangailangan talaga ng nose job ang plastikadang youngstar na ito.

At saka, compared to Alex Gonzaga na itinuturing na Prinsesa at goldmine ng TV5 ay wala namang binatbat itong si Nadine kay Alex.

Unang-una may napatunayan na ang multi-talented na daughter ni Mommy Pinty na naging super lakas sa rating ang “Babaeng Hampaslupa” nito. Eh, itong teleserye na “The Sisters” na first project at pagbibidahan ni Nadine ay mag-click naman kaya?

Uy! may mga pelikula rin daw na gagawin ang plastikadang aktres na pagtutulungang i-produce ng Studio 5 at ng Regal Entertainment.

Well, condolence gyud!

***

Milyun-milyon na ang lamang ng boto ni Sam Pinto kay Marianita Rivera sa FHM Sexiest Women

ACCORDING sa manager ni Sam Pinto na si Ms. Claire dela Fuente ay very thankful ang kanyang magandang talent dahil hindi lang ang male fans nito ang bomoto sa kanya para maging No. 1 sa 100 Sexiest Women of 2011 ng FMH kung saan lampaso na nito ang dating nasa No. 1 slot na si Marianita Rivera.

Pati pala kasi mga kompanyang ini-endorso ni Sam like San Mig Light ay talagang nag-effort para suportahan ito sa kanyang laban. As we heard, milyun-milyon na raw ang lamang na boto ng pretty and sexy actress over Marianita. Mukhang mahihirapan na raw ang nega at malditang aktres at bida sa “Amalas” na makahabol pa sa talent ni Ms. Claire.

Well, pagdating nga sa kanilang career ay mukhang paangat na itong si Sam dahil maliban sa alaga siya ng GMA-7 ay bongga rin ang mga projects na binibigay sa kanya ng Viva Entertainment na nagco-manage sa kanyang showbiz career kay Ms. Claire.

Si Marianita Gurangita? Well, hayun at patuloy sa pagsadsad sa rating games ang kanyang Amalas. Very disappointed na nga raw ang mga Bossing ng aktres sa outcome ng epic serye nito na nilalait pa ng ilang historian critics.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply