Almendras kapalit ni Ping itinanggi ng Palasyo

ESPEKULASYON lamang ang nababalitang plano ni Pangulong Benigno Aquino III na ilipat si Energy Sec. Jose Rene Almendras sa Department of Transportation and Communication (DoTC), bilang kapalit ng nagbitiw na si Sec. Jose “Ping” de Jesus.

Sa text message, sinabi ni Presidential spokesman Atty. Edwin Lacierda na makabubuting hintayin na lang ang magiging anunsyo ng Pangulong Aquino sa usaping ito.

“That’s speculation at this point. Wait for the President to announce,” anito.

Ayon sa ulat, sinasabing si dating Sen. Mar Roxas ang unang napipisil ng Pangulo na kapalit ni De Jesus, subalit tinanggihan umano ito ng talunang vice presidential candidate.

Bukod kay Roxas ay lumutang din ang pangalan ni PCOO Sec. Sonny Coloma na magiging bagong DoTC Sec.

Noong nakaraang linggo ay sunod-sunod na nagbitiw ang top officials ng DoTC, sa pangunguna ni De Jesus.

Kabilang sa naghain ng kanilang resignation letters ay sina Ruben Reinoso, Jr., undersecretary for planning and project development/ management; Glicerio Sicat, undersecretary for railways and civil aviation; Dante Velasco, undersecretary for road transport, communications and action center at Aristotole Batuhan, undersecretary for legal affairs.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply