Ama-amahan tiklo sa pandadaliri ng paslit

NASAKOTE ang isang lalaki matapos daliriin ang isang paslit, pati na rin sa pagdaos sa ina nito sa lungsod ng Navotas, ayon sa mga ulat.

Nakilala ang suspek na si Leopoldo dela Peña, 49, ng V. Cruz St., Tangos ng nasabing lungsod.

Sa pahayag ni Olivia Lorenzo, 19, ng nasabing lugar, dakong alas-dos ng madaling araw noong nakalipas na Hunyo 7, Martes, nagising siya sa pagtulog nang marinig na umiiyak ang anak na babae na apat na taong gulang.

Laking gulat na lamang ni Olivia nang makitang dinadaliri ng suspek ang ari ng bata na naging dahilan upang mapasigaw ito.

Agad na umigtad ang suspek at lumabas ng bahay habang nagsumbong naman sa mga pulis si Olivia at sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si dela Peña.

Ayon pa kay Olivia, limang taon na siyang ginawang parausan ng ama-amahan, subalit tiniis na lamang niya ito. Ngunit nang anak na niya ang pinakialaman ng suspek, hindi na ito nagdalawang isip na isumbong sa mga pulis si dela Peña.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply