Aminin

BUMABA na naman ang trust ratings ni Pangulong Noynoy Aquino. Sabi sa isang pahayagan bumaba daw ng 3%.

Sabi naman sa isa pang report, galing daw sa positive +51% naging +46%. Hindi madali ang pag-interpret ng mg survey ratings na ito. May science ito na kailangan ang interpretasyon ng mga eksperto. Pero kung titingnan sa numero lang ay malaki talaga ang ibinagsak sa isang survey kumpara sa sinasabi nung isa na 3 percent lang ang binagsak. Ang sabi ni Communications Secretary Edwin Lacierda, minimal lang ang ibinaba nung 3 percent at hindi sila nag-aalala kasi positibo pa rin naman ang numero.

Hindi nga naman kagaya nung unang administrasyon na hindi na yata naging positive ang ratings at lahat ng resulta ay naglaro na lang sa negative range. Nakapagtaka para sa akin na ang bilis ng mga tao ni PNoy na kontrahin ang importansya ng resulta ng mga trust ratings na ito, lalo kung hindi pabor sa kanila ang mga numero. Wala daw silang pakialam, hindi nababahala at wala silang panahon para pagukulan ng pag-iisip ang resulta ng surveys.

Hindi ako naniniwala. Naging opisyal din ako ng lokal na pamahalaan bilang Majority Floor Leader ng Quezon City Council sa loob ng tatlong termino at alam ko na halaga para sa akin, at sa mga katulad kong public officials ang resulta ng trust ratings.

Dahil grade ito sa amin ng aming constituents. Sa mga pelikula nga, halimbawa na ang The American President na pinagbidahan ni Michael Douglas at Annette Benning, ipinakita kung gaano kahalaga sa isang Presidente at sa kanyang political family ang kilos ng trust ratings.

Binabatayan, tinututukan at kulang na lang ay lahat ng desisyon ng kanilang administrasyon ay ibase sa kung paano maiiangat ang mga numerong ito. Bakit kasi hindi na lang aminin. Mahalaga ang trust ratings dahil ayon siensya at teknolohiya ng mga surveys, ito ang paraan ng pagbasa ng pulso ng tao.

Dapat mas mahalaga ito kay PNoy dahil sabi nya, tayo ang boss nya at dapat alam nya kung ano ang nasa puso at isipan nating lahat.

Mag-text po kayo sa akin sa 09209280847 o mag- email sa: ariel.inton@gmail.com. Mahalaga sa akin na malaman ang inyong saloobin at opinyon tungkol sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply