Ampatuans okey sa live coverage ng kaso

AYOS lang sa abogado ni Maguindanao massacre suspect Zaldy Ampatuan ang desisyon ng Korte Suprema na payagan ang live coverage ng paglilitis na isinasagawa sa Taguig.

Sinabi ni Atty. Howard Calleja na nirerespeto niya at ng kanyang kliyente ang batas at tatalima sila sa desisyon ng pinakamataas na hukuman.

Muling iginiit ni Calleja na nasa Manila si Zaldy nang maganap ang massacre.

Bago ito, naghain na ng mosyon sa Court of Appeals (CA), ang kampo ni Zaldy na humihiling na matanggal na siya sa listahan ng mga suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa 57 katao.

Sa ilalim ng Supreme Court (SC) guidelines, maglalagay ng camera ang public information office ng SC sa loob ng Quezon City Regional Trial Court (QC RTC) Branch 221 at tuloy-tuloy na magbibigay ng footage sa mga TV network at radio stations na nasa labas ng courtroom.

Kinakailangan din na makakuha ng accreditation mula sa RTC ang mga media outlet bago sila mapayagang i-ere ang paglilitis. Lahat ng hearing ay kailangang mai-ere nang walang commercial breaks at reaksyon mula sa mga news anchor maliban na lamang kung court breaks.

Ayon pa rito, ang mga network na magko-cover ng pagdinig ay dapat na i-ere ang kabuuan ng paglilitis hanggang sa matapos ito. Sa kasalukuyan, nakatakda tuwing Miyerkules at Huwebes ang paglilitis.

Nauna nang sinabi ni Supreme Court spokesman Jose Midas Marquez na tatagal ng 1-2 taon ang paglilitis sa naturang kaso. Aniya, tinitiyak ng SC guidelines na magiging patas ang pag-e-ere ng Maguindanao massacre.

Samantala, ipinag-utos naman ni QC  RTC Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes ang pag-terminate ng pre-trial para sa mga akusadong sina Andal Ampatuan, Sr., at walong iba pa na sangkot sa naturang krimen.

Sinabi ni Judge Reyes sa ginanap na pre-trial conference kanina ng umaga, na gaganapin ang initial hearing sa nabanggit na mga akusado sa June 23, 2011 at tatalakayin dito ang petisyon ng mga akusado na makapagpiyansa.

Gaganapin ang pagpapatuloy ng pagdinig ngayon sa Camp Bagong Diwa, Taguig City at nakatakdang iprisinta ang karagdagang mga saksi ng prosekusyon.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply