Anak ni FVR namatay sa lung cancer

PUMANAW na ang anak ni dating Pangulong Fidel V. Ramos ngayon, Lunes, ayon sa kamag-anak nito.

Si Josephine “Jo” Ramos-Samartino, mang-aawit at asawa ng aktor na si Lloyd Samartino, ay namatay bandang ala-una ng madaling araw dahil sa lung cancer.

Binawian ng buhay si Ramos-Samartino matapos itong operahan upang sana’y magamot ang nasabing karamdaman, ngunit hindi niya ito nalampasan.

Dadalhin ngayong Lunes ng hapon ang mga labi ni Ramos-Samartino sa Funeraria Paz sa Sucat, Parañaque City.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply