Andal Sr. naghain ng not guilty plea

NAGHAIN ng not giulty plea si Andal Ampatuan Sr., ang itinuturing na mastermind sa karumal-dumal na Maguindanao Massacre noong 2009, matapos na basahan ng sakdal kaninang umaga sa sala ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng  Quezon City Regional Trial Court Branch 221 sa Taguig City.

Dahil dito, nagkaroon ng tensyon sa loob ng korte at nagpahayag ng pagkadismaya ang mga kaanak ng mga biktima matapos ihayag ni Andal Sr. na wala siyang kinalaman sa kaso.

Dala ng kanilang emosyon ay napasigaw ang mga ito dahilan para ikagalit ng depensa. Naghain din ng mosyon ang kampo ni Ampatuan na huwag na lamang isama sa pagdinig ang mga kaanak ng mga biktima.

Matatandaang halos isang taong nabinbin ang arraignment ni Andal Sr. matapos ibasura ng Court of Appeals ang kahilingan nito.

Sa nasabing mosyon, hiniling ng abogado ni Andal Sr. na idaos ang arraignment sa May 25 pero hindi ito inayunan ni Solis at sa halip isinagawa ang arraignment ngayon, Miyerkules, Hunyo 1.

Panasamantala munang ibinitin ang nakatakdang arraignment ng 21 iba pang suspek kabilang ang suspendidong si Gov. ARMM Rizaly “Zaldy” Ampatuan, habang hinihintay pa ang resolusyon ng mga inihaing mosyon ng depensa sa nasabing korte.

Sa nasabing arraignment, dalawa na sa miyembro ng prominenteng angkan ng Ampatuan ang nagpahayag ng not guilty nauna rito si dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan, Jr. at si  Andal Jr.

Sa petisyong ibinasura ng CA noong Pebrero, inakusahan dito ni Andal Sr. ang Department of Justice ng grave abuse of discretion dahil binigyan umano ng timbang ng korte ang testimonya ng testigong si Kenny Dalandag, na sinabing nasa pulong si Andal Sr. ng planuhin ang masaker at sinabing gawa-gawa lamang ni Dalagdag ang kanyang testimonya.

Nauna na ring itinuro ng kasambahay ng mga Ampatuan na si Lakmodion Saliao, sa kanyang testimonya na nandoon si Andal Sr. sa dalawang meeting sa mansyon ng planuhin ang nasabing masaker habang sila ay naghahapunan.

Pinangunahan aniya ni Andal Sr. ang nasabing meeting na dinaluhan ng kanyang mga anak na sina Andal Jr at Zaldy Ampatuan at mga taga suporta nito.

Pinag-usapan umano ng mga ito ang gagawing pagharang sa daraanan ng electoral convoy ni dating Vice Mayor Mangudadatu  para hindi ito makapag-file ng certificate of candidacy.

Kaugnay nito, nagpahayag din ng not guilty ang isa pang suspek na si Nicomedes Tolentino alias Mohammad Datumanong na isinasangkot din sa naturang masaker.

Noong May 27 naghain ng motion to quash information ang abogado ni Tolentino na walang inaamin ang kanyang kliyente na siya ang alyas “Mohammad Datumanong” na idinadawit sa masaker.

Gayunman sinabi naman ng korte na nililito lamang ng abogado ni Tolentino ang korte dahil ito rin aniya ang abogadong naghain ng motion to arraign ang kanyang kliyente nitong Marso lang.

Sa nasabing masaker namatay ang 58 katao kabilang na ang higit sa 30 mamamahayag.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply