Andi Eigenmann 18 weeks pregnant

KINUMPIRMA na ni Jacklyn Jose na buntis nga ang kanyang anak na si Andi Eigenmann sa panayam sa kanya sa TV Patrol, Miyerkules ng gabi.

Nabatid na 18 weeks pregnant ang young actress, habang umiiyak na isinasalaysay ng ina nito ang kalagayan ng aktres sa exclusive report ni Mario Dumaual.

Si Andi na anak nina Mark Gil at Jacklyn Jose ay nauugnay ngayon sa anak nina dating Pangulong Joseph Estrada at Laarni Enriquez na si Jake Ejercito.

Kamakailan din ay naging maingay ang sinasabing pananampal ng aktor na si Albie Casino sa aktres nang paratangan ang huli na cheater.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply