Andi Eigenmann buntis?

MAY mga kumakalat na chika ngayon sa showbiz na buntis diumano ang magandang young actress na blooming pa naman ang career. Ang sabi, ang nakadisgrasya raw kay said youngstar ay puwedeng ‘yung present boyfriend niya na apo ng dating Presidente ng ating bansa o ‘yung ex-boyfriend young-actor na sumikat dahil sa isang hit teleserye sa isang big TV network na nagtapos na last month.

At dahil daw sa interesanteng balitang ito kaya raw laging mainit ang ulo ni tisay na young actress kung saan nagiging pasaway na siya sa set ng kanilang teleserye ng morenong aktor ay dahil sa naglilihi na nga ito.

Well, kung pagbabasehan natin ang identity ng  batang aktres ay mukhang si Andi Eigenmann ito. Nagdadalantao nga ba ang mahusay pa namang young actress na daughter ng multi-awarded actress na si Jacklyn Jose? If ever na true ito, papano na ang kanyang career sa ABS-CBN? Masasayang na lang ba ito nang ganon-ganon na lang? Just asking lang gyud!

***

Ms. Ingga-Rufina Cabangon well-loved ng mga empleyado

HONESTLY, without make-up ay beautiful na ang Ma’am Ingga-Rufina Cabangon namin ni BFFT Pete A. na daughter ng dating Ambassador ng Laos Island na si Amba Antonio Cabangon-Chua.

Hindi lang siya pretty, very articulate at intelligent pa. Ikaw ba naman kasi ang mag-aral sa Brent School at isang sikat na University sa Australia. Sa ngayon, tumatayong Office Manager at Treasurer ng Citystate Properties na pag-aari ng kanyang Daddy Antonio ang mabait naming Ma’am na ito. Kung saan ang itinayo nilang Sandari Batulao na located sa Km 77 along Tagaytay-Nasugbo Tourism Highway (take Sta. Rosa Exit from Luzon Expressway) ay in demand na sa mga buyer na gustong magkaroon ng sarili nilang bahay o resthouse sa napakaganda at napakalawak na place na ito.

Dahil sa parating smiling sa kanyang mga empleyado ay well-loved si Ma’am Ingga ng mga ito.

By the way, naka-stay ngayon ang aming Lady boss sa kanyang sariling condo at kapag may time, dahil may sariling treadmill sa kanyang pad, ay hindi nito nakalilimutang mag-exercise. Ang mga teleserye naman ng Dos ang paboritong panoorin ni Ma’am Ingga at ng kanyang magandang Mommy. Favorite naman nito ang Hollywood actor na si Eric Bana. Moreno ang gusto niya sa guy at ang marrying age ay 28 hanggang 29 yrs old.

Sobrang lucky naman ng magiging husband ni Ma’am Ingga dahil nasa kanya na ang lahat. Bongga, gyud!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply