Ang pikuning mambabatas

SINO itong mambabatas na na saksakan ng pikon gayong numero unong alaskador?

Sa nasaksihan ng matang kuwago ng Remate, napikon ang mambabatas sa ginagawang pagtatanong at debate sa kanya ng kapwa rin niya mambabatas.

Ang sistema kasi nainsulto siguro siya dahil sa kabila ng hindi isang abogado ang mambabatas na nakikipagdebate sa kanya ay hindi mo naman kayang tumbasan o bayaran ng anopaman ang prinsipyo at galing nito sa pagtatanong at debate.

Kasi itong si pikuning mambabatas bagama’t abogado ay hindi naman niya alam kung saan siya huhugot ng sagot sa mga tanong ng kanyang kapwa mambabatas.

Ang yabang kasi ni pikuning mambabatas, akala niya siguro siya lang ang magaling magtanong, makipagdebate at mag-interpellate. Ang hindi niya alam handang handa pala ang kapwa niya mambabatas na makipagsabayan sa kanya at well researched in fairness.

Sa pagkapikon nga ni pikunin ay halos maghamon pa itong ng suntukan at nag-iinit ang malaking tenga at namumula ang mata sa pagkapikon na tila ay aatakihin sa puso at high blood.

Eh matakaw pa naman kumain ang pikunin gayong tubig lang ang nasa harapan at hindi pagkain. He he he.

Ang nakatutuwa sa mambabatas na pikunin ay noong isang kapwa abogado na niya ang nakikipagdebate sa kanya ay tiklop naman ang bahag nito at naging maalumanay na ang pananalita.

Noong una nga na mapikon ang mambabatas lumabas ang hindi magandang asal nito na hindi dapat gawin ng isang mambabatas sa harap ng publiko at camera kasi nakahihiya.

Bago tayo matapos pintahan na natin si pikuning mambabatas siya ay sobrang sipsip sa kasalukuyang administrasyon kasi maganda ang kanyang papel sa administrasyon din ng nanay nito.

Nagmamalinis subalit panay ang hakot ng grasya sa kasalukuyang administrasyon.

Tingnang ninyo siya lang ang mambabatas na napakadaling makuha ang pork barrel at PDAF.

Isa din siya sa nasa likod ng tangkang pagpapatalsik kay Senate President Juan Ponce Enrile.

Sige na masyado nang mataba este mahaba ang clue.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply