Ang separation anxiety sa mga bagets

HAY, tapos na ang summer vacation at back to school time na naman ang mga estudyante. Paniguradong naihanda na nina tatay at nanay ang mga kailangan ng mga anak.

Mula sa pagbabayad ng down sa school, kung meron man, mga gamit tulad ng bag, notebooks, pens, pencils, shoes, uniform at iba pa, tiyak na nais nina tatay at nanay na ayos na ang mga gamit ng mga anak. Siyempre nga naman, isang tulog na lang at balik-eskwela na ang mga anak. At first time naman para sa mga baby na unang aapak sa nursery o kaya naman ay sa public day care center na isasaling-pusa ang mga ito.

Excited ang mga magulang kasi panibagong milestone na ito sa kanilang tsikiting. Excited sa lahat pati sa pamimili ng gamit at kung anu-ano para kay baby.

Bukod sa mga nabanggit sa itaas, para sa mga anak na first time na papasok sa school  ay dapat na naihanda na nina tatay at nanay si baby sa emosyunal na aspeto.

Ika nga eh, dapat emotionally ay handa ang mga bata sa bagay na ito at hindi pilit.

Ang tanong: Handa na nga ba ang mga bagets sa pagpasok sa school? First time niyang aapak sa ibang mundo na ang mga makakasama niya ay ibang mga tao na hindi niya nakakasama sa bahay araw-araw na kanyang nakasanayan.

Iniiwan sa school ang mga bata para masanay. At ganoon naman talaga dapat, hindi pupwedeng nakabantay ang mga magulang sa mga anak sa loob ng paaralan o sa loob ng classroom.

Kadalasang nagiging problema sa mga anak na first time na papasok sa school ay yung tinatawag na “separation anxiety.”

Siyempre busy ang mga nanay sa bahay, o kaya naman ay sa trabaho gaya ni tatay, hindi pwedeng bantayan ang mga anak para sa ilang oras ding klase ni bagets, so, ang problema? Kailagang iwan si baby sa school. At gaya nga ng unang nabanggit, talagang iniiwan sa school ang anak.

Normal ang  bagay na ito, hindi kailagang gulpihin si baby o kaya ay pagsalitaan ng masasakit na salita para lang magpaiwan sa school. Kaya bago ang pasukan, ipinapayo ng mga eksperto na ihanda ang mga baby sa emotional na aspeto.

Magagawa ito kung malayo pa lamang ang pasukan ay unti-unti nang ini-introduce sa bata ng kanyag mga magulang ang ideya na papasok na siya sa eskwelahan para matuto at kailangan siyang maiwan sa school kasama si titser at kanyang mga classmate.

Ipaliliwanag ng magulang sa level ng pang-unawa ng bata na kailangan siyang iwanan sa school ni nanay o ni tatay.

Para walang problema o kung hindi man ay mabawasan, narito ang ilang tips na makatutulong sa mga magulang:

1. Bukod sa mga gamit sa eskwela na laging binabanggit ninyo kay baby, dapat ilang linggo bago ang pasukan ay dinala o ipinasyal ninyo si baby sa papasukan niyang school o day care center. Ipaliwanag sa kanya na dito siya mag-aaral kasama ang kayang magiging guro at mga kaklase.

Sa ganitong paraan ay mapa-familliarize siya sa lugar. Idaan sa mga masasayng kwento kapag ipinasyal siya sa classroom niya.

Halimbawa: “O baby dito ang school mo po, madaming toys dyan, magpe-play kayo ni titser at ng mga classmate mo.”

2. Kaibiganin ang mga magulang ng kanyang magiging kaklase. Sa ganitong paraan magiging kaibigan din ni bagets ang anak nito at kapag binanggit mo sa kanya na nasa school ang kanyang kaibigan ay maeengganyong pumasok ang iyong anak.

3. Pati si titser ay kaibiganin o palaging kausapin. Sabihin sa anak na mabait si titser upang maengganyo siyang pumasok araw-araw.

4. Lagi siyang kwentuhan tungkol sa school at kung gaano kasaya ang pumasok araw-araw. Sabihin at ipaliwanag sa kanya na marami siyang magiging kaibigan sa school.

Magkwento rin tungkol sa mga ginagawa sa school gaya ng pagsusulat, pagbabasa, pagguhit, pagkanta, pagsayaw, paglalaro at kung anu-ano pa na masaya.

4. Sa pasukan, kung kinakailangan na dalhin ang kanyang paboritong laruan ay gawin ito, pati na ang nais na baon para sa recess.

5. Lagi ring i-assure na hihintayin mo (nanay o tatay) siya sa labas ng kayang silid-aralan para sunduin pagkatapos ng klase.

Siguraduhing bago ang uwian niya ay nadoon ka (nanay o tatay) na upang hindi siya mag-alala oras na maagang i-dismiss ang klase.

Mahirap kasi sa ganoong edad ang paghihiwalay ng anak sa kanyang mga magulang.

Hindi pa ganoon kalawak ang pang-unawa ng mga bata kaya dapat na umadjust dito ang mga magulag.

Nasanay sila na araw-araw, oras-oras ay kasama nila sa bahay ang kanilang pamilya (nanay, tatay, kapatid). Dapat itong ipaunawa sa kanila ng maayos at sa level ng kanilang understanding.

At siyempre pa diska-diskarte lang yan ng magulang, depende rin kasi ito sa magulang eh. Gumawa ng mga gimiks para maengganyo ang anak na pumasok sa school.

Dito palabasin ng mga magulang ang kanilang convincing power. Hindi kailangan ng gulpihan gaya ng ginagawa ng ibang mga magulang na nabablita. Hindi kailangang saktan ang bata kung ayaw magpaiwan sa school.

Kung kinakailangan na oras-oras ay kwentuhan ang anak hinggil sa magagndang bagay sa school ay gawin ito.

Kausapin ang pamilya at sama-sama kayong gumawa ng gimik para makumbinse si bagets na pumasok sa school. At ipaunawa na hindi maaari si nanay o si tatay sa loob ng classroom.

Pati mga anak na nakatatanda ay dapat na isama sa pagkumbinsi sa anak na poumasok sa school.

Hal. “Si Ate din po dati pumasok sa school mo. Maganda doon at mababait ang mga kalaro mo. Pati si titser mabait. La-love mo si titser. Tuturuan ka po niya na sumayaw, wow, tsaka kumanta ,,wow,, di ba gusto mo yon? Gagaling ka,,wow..”

Sa lahat ng bagay, nakatutulong talaga kung sama-sama ang buong pamilya. Iparamdam kay baby na suportado ninyo siya sa kanyang pagpasok sa school. At sa kanyang pang-unawa ay ipaunawa ang kahalagaahan ng kanyang pagpasok sa unang pagkakataon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply