Angelica deadma sa isyu sa kanila ni Erich

NO comment na si Angelica Panganiban tungkol sa isyu sa kanila ni Erich Gonzales.

Hindi naman daw kailangang palakihin. Sey niya nang dalawin namin siya sa taping ng “Banana Split.”

Kanino ba siya na-threaten sa mga na-link sa boyfriend niyang si Derek Ramsay? Kay Gretchen Barreto?

“Hindi masyado. Wala,” diretso niyang sagot.

E, sa ex-girlfriend ni Derek na si Solenn Heussaff?

“Hindi. Ako naman ‘yung girlfriend. Siya naman ‘yung past. Mas maganda ‘yung present, di ba?” sagot niya.

Sino ang mas maganda ang beauty?

“Hindi mas maganda ‘yung nangyayari sa present. Pero maganda siya. Sobrang ganda niya,” aniya.

Hindi kaya siya ang dahilan kaya hindi naging Kapamilya si Solenn at naging Kapuso?

“Aba, desisyon niya ‘yun,” natatawang sagot ni Angel.

Anyway, balik na si Krissy (Angelica Panganiban)  para sa kanyang new portion sa Banana Split to showcase wrongly-dressed  “fashionvictims”  na  tinatawag na  FASHION PULEZZZ! Bumalik na ang pagi-impersonate niya kay Kris Aquino.

Bongga!

***

BALITANG naho-homesick na si Karylle kahit wala pa siyang isang linggo sa Singapore para  gawin ang  Kitchen Musical?

Nami-miss  ba niya ang rumored boyfriend niyang si Yael Yuzon of Spongecola?

Nag-post siya sa Twitter ng ganito: “I miss Mr. Kung Fu fighter. I don’t wanna put a microchip on him. He should be here too.”

Kahit siguro ang ‘best friend’ niya na ‘Fruitas’ healthy bottled juices ay nami-miss din ngayon ni Karylle. Apat na buwan siya mawawala sa Pilipinas at  siguradong hahanap-hanapin niya ang paborito niyang Fruitas products gaya ng starawberry. Pati rin ang ice candy na nagpapabalik ng alaala ng  kanyang pagkabata.

Talbog!

***

HUMAHATAW ang commercial model-child actor na si Timothy Lambert Chan na alaga ni Chris Deuna. Pagkatapos ng markado niyang role sa “May Bukas Pa” bilang anak ni Dina Bonnevie. Gaganap naman siyang young Enchong Dee sa seryeng “Maria Del Barrio” ng ABS-CBN 2

Nami-miss ba niya si Zaijian “Santino” Jaranilla na matagal din niyang nakasama sa serye at naging kalaban niya sa ending ng May Bukas Pa?

“Opo lalo na po yung paglalaro namin sa set. Miss na miss ko po yun. Sana magkaroon ng part 2 ang May Bukas Pa para magkita-kita kami ulit nina Ate Maja (Salvador), Mommy D (Dina Bonnevie) at Daddy Albert (Martinez),” bulalas niya nang makapanayam namin siya sa  Jackman Mall sa Munoz, Edsa.

Samantala, masaya rin si Timothy dahil nominado siya bilang Best Child Performer sa PMPC Star Awards for Movies  na gaganapin sa June 20 sa Resorts World para sa pelikulang “Here Comes The Bride.”

“Masaya po ako dahil sa dami ng mga bata na magagaling, isa ako sa napansin at nabigyan ng pagkakataon na ma-nominate. Isang bagay rin po ito para lalo kong pagbutihin ang mga ibinibigay nilang project sa akin,” deklara niya.

Anyway, live na mapapanood si Timothy sa Zirkoh, Tomas Morato sa July 2 entitled “Pagdating ng Moment” kung saan ay tampok sina Aiza Seguerra,  Erik Santos, Princess Velasco, Matteo Guidicelli at Ate Gay. Hahataw siya sa pagsayaw para sa naturang concert.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply