Ani ng tabako at bigas tumaas

NAKAPAGTALA ang National Tobacco Administration (NTA) ng 26% pagtaas sa ani ng tabako.

Ayon sa Department of Agriculture, may nadagdag na 15,195 metric tons ng tabako sa dating dami ng inani noong isang taon.

Ayon kay Agriculture Secretary Proceso J. Alcala, sinabi ni NTA Administrator Edgardo D. Zaragoza na lumaki ang ani ng tabako mula sa dating  58,572 MT noong isang taon sa 73,767 MT sa first quarter ng taong ito.

Tumaas din umano ng 13% ang ani bawat ektarya o 1,931 kilograms per hectare (kg/ha) hanggang 2,184 kg/ha.

Resulta ng mataas na ani ang technology packages, technical assistance at marketing services na ibinigay ng NTA sa kanilang Market Driven Quality Tobacco Production na kaagapay ng Integrated Farming and Other Income Generating Activities Project (IFOIGAP).

Nakinabang umano sa programa ang 54,337 magsasaka na naglilinang ng 38,275 hectares ng tabako.

Sa bigas naman, naibigay na aniya ng DA ang P7.7 million production assistance sa 825 tobacco farmers na nagsasaka ng 683 hectares palayan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply