Anna ‘Hurricane’ wawasakin ni Gladney

MAKIKIPAGBANGASAN na bukas, Hunyo 25 si Fil-Am 3-time Women’s World Champion Ana “The Hurricane” Julaton kay Angel ‘Non-Stop’ Gladney.

Ang non-title fight ng dalawa ay gaganapin sa Dade County Auditorium sa Miami, Florida.

Maghaharap ang dalawa sa catchweight na 128,  na mas mataas sa 122 lbs. na hindi pa nasasalangan ni WBO champ Julaton bilang professional.

Kapwa naman komportable sina Julaton at Gladney nang sumalang sa weigh-in nang parehong tumimbang ng identical 127.5 pounds.

Ayon kay Julaton, pinaghahandaan nila nang todo ang laban kasama si Hall of Fame trainer Freddie Roach.

Sisikapin umano ni Julaton na magamit ang kanilang game plan sa aktuwal na sagupaan dahil pinag-aralan din nila ang laro ni Gladney sa Wild Card Gym.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply