Ano ang misyon ng PAOCC?

KAMAKAILAN ay pinirmahan ni Pangulong Noynoy Aquino ang ‘activation’ ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

At ang itinalagang boss, hepe o mamumuno rito ay walang iba kundi si Executive Secretary Paquito ‘Jojo’ Ochoa.

Lingid sa kaalaman ng Malakanyang, maraming police official ang nagtaas ng kilay sa pagkakatatag ng bagong anti-crime group na ito.

Iba’t ibang komento ang narinig, pero ang nakasosorpresa, halos marami sa kanila
ang nagsabing ‘panibagong gastos lang daw’.

Hindi natin batid kung ano ang ‘rason’ ng Palasyo sa pagtatatag nila ng PAOCC, pero sigurado tayo na  mayroon silang ‘dahilan’.

Para sila’y magtatag ng anti- crime group. Siyempre, may ‘dahilan’ si PNoy, at si ES Ochoa pa ang head.

May nasagap tayong balita kung bakit nga itinatag ang PAOCC, pero ito’y ‘ulat’ lang na ‘di pa natin napatutunayan.

Kung totoo ang ating ‘info’, aba’y dapat nang matakot ang mga alagad ng batas  na may nakadikit na kalokohan sa katawan.

Kuwento ng ating informant, tila, dismayado raw kasi si PNoy sa performance ng liderato ng Philippine National Police.

Kaya raw ‘di nagtatagumpay ang laban sa mga krimen ay dahil sa involvement ng ilang pulis dito.

Pakiwari ng Palasyo, hindi kayang supilin ng PNP leadership ang mga pulis na involved sa iba’t ibang kalokohan.

Kung ano ang dahilan bakit ‘di masupil ang mga madudupang na pulis, aba’y yan daw ang didiskubrihin ni ES Ochoa.

Suhestiyon natin kay ES Ochoa, unahin niya ang  Batangas Police Office na nasa ilalim ni S/Supt. Rosauro Acio.

Eh, imbes na labanan ang krimen, sila pa raw ang kumukunsinti sa mga nangya-=yaring kalokohan, gaya ng operasyon ng sugalan.

Isang nagngangalang Maj. Agbunag na nagpapakilalang bata pa ni Col. Acio ang iniulat sa Chokepoint na ‘tongpats’ sa lahat ng iligal sa lalawigan.

Mantakin mo, imbes na paghuhulihin ang mga gambling lords, kinausap daw niya ito isa-isa at pinaglalagay ng P50,000 kada linggo.

Ang pulis na katulad ni Agbunag ay maituturing na ‘anay’ na siyang sumisira sa imahe ng PNP at ng administrasyong Aquino.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply